Saturday, March 03, 2007

"Lagi Nalang Ako Mali"

Never a day na hindi kami nagaaway at nagtatampuhan. Hindi ko na talaga alam. Napapa-tagalog na ako ngayon sa blog ko. Lagi nalang akong mali sa paningin ni Kyle. Naninindak pa sya. Kanina ok naman kami, pero since kakain na kami nung gabi, tinanong nya ako kung saan ko daw gusto kumain, so sinabi ko sa chowking. Tapos, nung malapit na kami sa chowking, nakita namin na sarado. So, sabi nya, pumili pa daw ako ng iba. Sabi ko may chowking pa dun sa may Quezon Avenue, sabi nya malayo na daw yun. Eh ang bukas nalang dun samin ay yung KFC and Yellow Cab. Sabi ko sa KFC nalang kung gusto nya. Nung magpa-park na kami, napansin ko na parang maliit yung parking space (which is normally umaangal si Kyle pag maliit ang parking space lalo na kung pataas dahil baka tumama yung bumper nya), kaya tinanong ko sya na "sure ka, na dyan ka magpapark?" (Meron pa sa looban, mas patag ang parking lot dun). Nagalit ba naman sakin! Sabi nya "Umuwi nalang nga tayo!". Tapos sabi ko "Sorry! Bakit ba? Inaalala ko lang naman na baka sumagi or hindi kayanan sa bumper mo!". Ang sagot nya saken "Haay! Ang dami dami mo pa kasi sinasabi!" (Sobrang nakakatakot dahil inis na inis na sya saken). Edi nagpatakbo ba sya ng mabilis at inikot nya ng mabilis sobra yung kotse nya papuntang bahay namin. Tapos nun sabi ko sa kanya na "Kumain na kasi tayo dahil gutom tayo!". Ayun, nagalit pa sya saken. After nun, sabi nya "San ba talaga?!" (Galit na galit yung tono nya). Sabi ko "Sa KFC na nga eh!". Kaya bumalik na naman kami dun sa area. Sinabi pa nya na "Ayoko na sa KFC, pumili ka ng iba at magisip ka pa ng iba!". Sabi ko. "Grabe! Yan nalang ang bukas eh! Pumili ka! KFC or Yellow Cab?!". Sabi nya saken "Ikaw na kasi pumili!" (Galit na galit na galit na sobra). Sabi ko "Eh kung ayaw mo sa KFC, edi sa Yellow Cab nalang, dahil yun nalang bukas talaga dito sa area namin eh!". Tapos tinanong pa nya ako ha! "Kaw?! San ba?!". So sinabi ko kung san ko talaga gusto, edi sinagot ko sa kanya "Sa KFC"! Ito ang masayang sinagot nya saken "Cge, ikaw sa KFC, ako sa Yellow Cab!". Anu yun diba? Mali ko na naman!! Lagi nalang ako ang may mali eh!! Ang bilis sobra kumulo ng dugo nya saken! Tapos pag dating sa loob, ako pina-order. Nag-order ako sa counter, tinanong ko pa yung cashier kung anu masarap sa dalawa? Yung mushroom or 4 cheese pizza? Sabi nung cashier "ay ma'am, yung 4 cheese po!". Ako naman, ok na dun! Aba, nung pagdating nung pizza, galit na galit na naman saken si Kyle. Mali na naman ako!! O diba? Tapos ang dami dami nya sobra pinagbubulong at pinagsasabi! Galit na galit sobra sobra saken si Kyle! Kulang nalang makakaluto na ako ng itlog sa ulo nya pag nakikita at nakakasama nya ako dahil mali naman ako lagi para sa kanya eh! Ayun, tig-isa lng kinain namin na pizza tapos umalis na kami agad. Feeling ko tuloy na hindi na talaga ako para sa kanya at hindi ko na sya napapasaya dahil mali nalang ako parati. Nung inuwi nya ako, galit na galit pa rin sya saken, iniwan na nga lang ako pumasok sa bahay dahil kaagad sya bumaba ng kotse dala mga gamit ko eh. Normally, naguusap pa kami sandali sa kotse bago ako bumababa. Kanina, naku! Iniwan nalang ako. Gusto ko na nga magwala kanina eh. Ayoko lang na may magising samin dito kaya pinigil ko kahit napakahirap sobra. Ewan ko ba. Mali lang kasi ako lagi eh. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapapasaya si Kyle. Parang ayaw na rin kasi nya kaya laging mabilis nalang uminit ulo nya saken siguro. Sobrang ayaw ko lang mawala itong si Kyle, kaya ko gusto syang tiisin kahit na may konteng takot ako. Wala naman akong masabihan ng nararamdaman ko talaga sa loob ko eh! Kung gaano kasakit at naguguluhan na ako sobra. Hindi ko naman sya masabihan ng mga ito at makapag-open up eh. Dahil malaking gulo lang ang abot ko sa kanya at yan ang ikakagalit na naman nya saken.

No comments: